1096 Gang – Pajama Party Lyrics

[Verse 1: Guddhist]
Pagpasok ng tunog tenga ko nilabasan
Goodshit si Gecko halatang nasarapan
Tapos tignan mo si Dan fasting parang Ramadan
Damo ‘yan pare ‘di na ‘ko n’yan tinatalaban
Ginagawa ko lang yung mga gusto nila na gawin
‘Di ako pasaway kaya ‘wag n’yo ‘ko sawayin
Subukan mong tanungin yung mga nasa likod
Kung pamilyar ba sila sa pangalang kuya Gudd
Kuya Gudd, pwede ba ako sa ‘yo rumekta?
Sabi nung kaibigan ng kaibigan ko na hustla
Hindi ‘to basta-basta mahirap maabot
Mahirap makakolabo sa pera si kuya Gudd
Ayokong sapilitan gusto ko yung natural
‘Pag ako nakulitan gusto ko nang manakal
Biro lang pero walang sini-sino aming gang
1096 Mandaluyong bayan ng mga buang
Polo Pi pakisabihan nga si tropang Luci
J i-roll mo na ‘yan na agayat na broccoli
Basic parang ollie iprito mo na ‘yan
Paborito na chubibo sa hapag ng kainan lumpia

[Verse 2: Youngwise]
Dami na ngang umaangal sobrang ingay na daw natin
Yung kalabog ng tugtug ni hindi nga daw sa ‘tin
Aayusin nalang natin ‘gat hindi pa alanganin
Ang gaan na sa loob bigat pa ng pasanin
Nakarolyo pa bagain paikot sabay sa hangin
Sirkulo layo sa oblo malaya sa hangarin
Ang dating parang praning kakaumaling
Pagkita pagtingin sa malagkit na tanim
Goodstop nasa woods na mala-woodstack
Nakasabit lang sa hammock at padukat-dukat
Naka-acid isang blott at kurastobakot plant
Pero lahat ng ‘yun joke lang kaya nga it’s a prank

Ang baduy kung kayo lang ‘wag na uyy
Sa mainit na kahoy usok nilalanguy
Wala ng panaghuy tila walang ka-uri
Bago magturo linisin muna ang daliri
Para ‘di nga magsisi ‘wag basta mawiwili
Gagagalingan mo nalang sa desisyong pinipili
‘Wag mawala sa sarili ang tatandaan
Dadaanan mo lang ‘yan ‘wag mo tambayan, ano ba ‘yan?

[Verse 3: Polo Pi]
Sakto sakit ng ulo wala naman masyadong ginawa tambay lang sa kanto
Kaya naman nandito napasama pa ‘ko sa mga talentadong tao pero gago
‘Wag ka lang masyado inaaning mo na ‘ko
Tagay na yung fruit juice hawak ko sa baso
Malunggay nasa apip pakiabot nga dito

Sa panahon ngayon puro tangkay nalang yung piso
Asim walang ligo live ka pa sa Bigo
Dami mong sinulat walang labas na bago
Sa sobra kong payat hinahabol na ‘ko ng aso
Ingat sa pag-abot baka ako d’yan ay mapaso
Kaso lalo pa akong ginaganahan
Talento ko ngayon ay akin pang pinagkitaan
Wais lang kase kapag puso ang pinairal
Dapat balanse ka sa tinatahak na daanan
Dami ng makitid, ano ba ‘yan?

[Verse 4: Ghetto Gecko]
Kita mo lumalaganap enerhiya ko sa game yeah
Bagong katauhan, bagong roll, at bagong name yeah
Dati kong sariling ‘di mahanap ‘di ma-trace
Nahagilap ko sa ulap at in-e-enjoy yung taste hmm
Nasa lugar na ‘di makikita sa Waze
Nag-be-blaze na ‘di pangkaraniwang face
Naka-face mask on just in case yeah
Bawal magkakaso kase meron pa ‘kong case yeah
Lumilipad parang si Aladdin
Nakaupo inaasar sila inaaning
Takot sila kapag merong biglang bumabahing
‘Di makalabas kase kulong parin sa quarantinе hmm
Nasa’n na ba ‘ko kakagising ko lang
Pagkagising ko yung stash ko nagkulang-kulang
Dito ko ‘yun nilagay ah ipinatong ko lang
Sasamahan pa kita pre kung sinabi mo lang
At sa ilalim sinag ng bilog na buwan
Naglalaro kami habang natutulog ka lang
Pakiramdam ko ay parang nalulunod sa dam
Mahiyain kaya ‘wag mo sa ‘kin tutok yung cam

[Verse 5: Luci J]
May pagpupulong nanaman bagong papakinggan
Eto at nag-aayos ako ng kagamitan
Tapos punta kila Gudd ‘onting lakad lang naman
Nakasabay pa si Polo sa ‘king nadaanan
Mamaya-maya n’yan lalabas na ang kulet
Mamaga-maga pa mata ko na kay singket
Nilalaro lang namin yung hadlang kung makulеt
Tanong mo sa bumilib at kung sinong malupet
1096 siksikan ang sustansya ang dala
Parang luto lang ni Gudds senti and food
1096 alam mo na kapag naririnig mo ‘to
Nasa kabilang banda kami ng hinahanap mo
Pamparam pam pam pamparaparam pam
Sumabay lang sa bayo sarap sa pakiramdaman
Pamparam pam pam pamparaparam pam
Nagawa namin ito habang bilog din ang buwan, mga buang!